Kakagaling ko lang kahapon from a retreat camp dedicated to God. Naimbitihan akong sumama sa Youth Camp na inorganisa ng Youth For Christ para sa mga kabataan ng aming komunidad. Noong una nagaalangan pa akong sumama kasi ang tanda ko na para sumama dito. Pero di ko alam parang tadhana na talaga na sumama ako.
Umalis kami patungo sa aming camp site sa Bulacan noong Lunes ng hapon. Ako nga lang ang sumama mula sa aming village. Yung iba pang participants mga taga-karatig na lugar sa Novaliches. Dumating kami dun ng gabi ng Lunes sa aming retreat place. Maayos ang lugar, malayo sa siyudad, kalmado ang paligid.
Masaya ang camp na ito. The BEST talaga. Madami akong natutunang bagong bagay. Hindi ko na babangittin ang mga ito. Pero ito ang masasabi ko sa inyo, sana nandun kayo. Parang mas lalo pa akong napalapit sa Diyos.
Madami din akong nakilalang bagong mga kaibigan. Meron mas bata sa akin at meron din matatanda. Iba sila sa mga kaibigan ko sa UP kaya masaya ako dahil nadagdagan nanaman ang aking mga kaibigan. Manghuli ng malalaking lamok habang nakahiga sa damo, magluksong baka, magmataya-taya at magSLAMan (ito daw ang pangbubulabog sa kabilang kuwarto sa pamamagitan ng pagpalo sa dingding) ang ilan sa aking nagawa.
Pics from YFC Camp
Ngayon isa na akong ganap na kasapi sa Youth For Christ. Masaya ako dahil kasapi na ako nito. Kahit na super-stressed na ako dahil sa UP, alam ko makakahanap oras ako para dito.
Jerick - contrary to the title is in the Philippines & will be back in Brussels soon. I'm blogging about travel (Tuesdays) and Social Media (Fridays)
Thursday, December 30, 2004
Friday, December 24, 2004
Happy Christmas
I just want to greet you all a HAPPY CHRISTMAS!
FELIZ NAVIDAD!
MALIGAYANG PASKO!
Wait for Santa along your chimneys(kung meron kayo)!

Wednesday, December 22, 2004
My Driver's License Application and (I Think) the LTO Corruption Behind It.
Nasa Lucena City ako ngayon araw na ito mula sa Maynila. Kararating ko lamang kahapon dito sa bahay ng aking lolo at lola upang gugulin ang aking christmas vacation. Nauna na akong umuwi dito kasi di na daw kami magkakasya sa kotse kung nandun pa ako. (Umuwi kasi ang aking tito mula sa US kaya madaming bagahe at baka di na magkasya sa kotse, wala kasi yun Revo)
Nauna na rin ako dito para kumuha ng DRIVER's LICENSE. Kakakuha ko lang ng aking STUDENT PERMIT nung isang buwan at matapos matuto ng kaunti, sinabihan na akong kumuha na ng non professional na lisensya.
Ang student license kasi ay para sa magaaral pa lamang ng driving at matapos nito maaari ka ng kumuha ng isang non-professional license. Pag nagkaroon ka na nito, maari ka ng mag-drive mag-isa.Kahit di pa ako ganun ka-galing magdrive, sinabihan na ako na kumuha ng isang non-professional license. ( Hindi pa nga ako magaling mag-park, mag-reverse at di ko pa nasusubukan mag 4th at 5th gear.)
Hinanda ko muna ang aking mga papeles na kakailanganin para sa pag-apply. Pumunta kami sa LTO Office ng Quezon kasama ang aking lolo ng mga alas-diyes ng umaga. Pagdating namin dun, sinalubong kami ng isang matandang babae na nakaupo sa unahan ng kanilang opisina. Binigyan ako ng application form at siningil ng P430 para daw sa application fee. Pero bakit ganun, di kami binigyan ng resibo? Kasi sa pagkakaalam ko mga P300 lang ang halaga ng application... bakit ganun?
Matapos iyon, pinapunta ako sa examining room para sa aking written exam. Patawa ito exam na ito. Madali lang ang exam, almost kahit sino masasagutan ito. Tapos may nakasulat pa na kodigo sa test questions. Meron pang nakasulat sa mga dingding na sagot. Nakakuha ako ng 35/40 kaya pumasa ako. (20 ang passing)
Matapos ako ay nagpadrug test at nagpamedical exam. Nagbayad ulit kami ng P250 at P60 respectively. Ang medical exam nga lamang ay ang pagbasa ng eye chart pero siningil kami ng P60! bakit ganun! Yun lang yun tapos ganun kamahal. Di ata tama iyon.
Pumunta naman ako sa opisina upang ipasa ang mga dokumento. Nagpakuha na rin ako ng litrato. Binigyan ako ng usang papel at ibigay ko daw ito sa clerk nila. Nagtype lang yun clerk ng onti tapos siningil ako ng P40! Laganap talaga ang korupsyon sa LTO.
At sa wakas, binigyan na ako isang temporary license. Pero nagtataka ako kung bakit di ako binigyan ng practical exam. Di ba dapat meron ganun upang malaman kung pwede ka talagang sumabak sa daan. Naghanda pa naman ako dito.
Sabi nila ganun daw talaga yun, wala daw practical exam kasi wala daw silang sasakyan na gagamitin at wala rin gasolina. Nagbayad ako ng P430 pero di ko alam kung saan napunta yon.
Makukuha ko daw yun license card ko matapos ang 7 months pero kung gusto ko daw magbabayad daw ako ng P2,000. tsk tsk corruption talaga.
Sana naman maayos na itong mga labuan (ehem korupsyon) ng mga ito. Sana naman mabigyang solusyon ito. Pero di na ako masyadong nagaalala. Basta masaya ako nakakuha na ako ng lisensiya.

Sunday, December 19, 2004
Y Tu Mama Tambien (And your mother too)
I just watched Y Tu Mama Tambien last night. I was really anxious to watch it because of the dozen of good comments I got from people who had watched the film. So I'm pretty much hyped. But after I had watched the film, I was not really that attracted to it. It was good but it doesn't meet the rating I had assumed before watching the film. But it was good in a way that it portrayed a much likeable male teen genre (which I am currently facing right now) amidst the effects of peer pressure and sexual drive.
It was a cool movie though but not that chillin'.

Walking through the streets of Manila
Isa nanamang bagong araw ang dumating. Matapos ang mahaba-habang at kapagod-pagod na araw nung huwebes at biyernes, kahapon lumabas nanaman ako at naglakwatsa. Sabik ako sa mangyayari sa araw na ito. Magkikita kami ni Reese para sa isang paglalakbay at paglalakwatsa.
Dali-dali akong umalis sa aming bahay patungo sa opisina ng tatay ni Reese. Sa aking paglalakbay patungo sa aking destinasyon, para akong bumalik sa aking nakaraan. Pagsakay ko ng FX sa may Munoz, nagulat ako dahil babae ang driver nito. Unang beses ko makakita ng FX driver na babae. Ngunit kahit babae siya, dali-dali itong nagdrive.
Pagdaan ko sa may tapat ng Sto.Domingo Church, nakita ko ang pagkahaba-habang pila ng mga gustong masilayan si FPJ. Ang pila ay mula sa kanang bahagi ng simbahan, tapos sa harap ng simbahan, sa may kalye ng Biak na Bato at ang dulo ay nasa may Banawe. Marami akong naalala sa pagdaan ko dito. Ang aking paglabas-pasok sa Angelicum College (nasa likod ito ng Sto. Domingo) at ang paglalakbay sa Banawe St. Dito ko ginugol ang aking apat na taon ng high school. Naiinis lamang ako dahil sobrang dumi na ng daan at simbahan. Madaming basura sa tapat ng Sto. Domingo at Angelicum College. Linisin naman sana ito.
Bumaba ako sa Morayta at naglakad tungo sa opisina ng ama ni reese. Buti nalang di ako nawala. Masaya ako dahil nakita ko si Reese, tagal na kasi naming di nagkikita. Nagkamustahan at nagbigayan ng regalo ang una naming ginawa.
Pagkatapos tumungo kami sa Pinky Pop upang mag-lunch. Ang sarap talaga sa pinky pop lalo ng ang spaghetti nila! sana may pinky pop na rin sa UP diliman.
Matapos nito bumalik kami sa Mary Chiles at nagtanong kung paano pumunta sa SM Manila. (di kasi namin alam). Sinabi pumunta daw kami sa may San Sebastian at dun sumakay ng jeep. Pagdating namin dun, tumungo muna kami sa may San Sebastian Church. Sinilip namin ang loob. Mangha talaga ako sa simbahan ito. Pag-ikakasal na ako, gusto ko dito. Haha
Nakarating na rin kami sa SM Manila. Unang beses ko pa lang doon kaya di ko pa alam ang mga pasikot-sikot dito. At dun namasyal kami, bumili ng onting mga CDs at umalis na.
Tumungo naman kami sa may Quiapo upang bumili ng DVDs. Ang daming DVDs dito, mapa-pilipino o hindi, bago o luma nandito. Madumi, magulo ang Quiapo pero mababait ang mga tao. Nakabili ako ng DVD ng Taegukgi at the Godfather. Babalik na lang ako dito pag madami na akong pera.
Bumalik na kami sa Mary Chiles upang magpahinga. Pagkatapos nito, sumama ako kayla Reese sa SM North Edsa. Ang dami ng tao sa malls, paskong pasko na talaga. Sinamahan ko si Reese bumili ng sapatos. Matapos nito nagikot ulit kami at kumain. Nagpaalam na ako kay Reese para naman makapagpahinga kami.
Pictures
Umuwi ako sa bahay ng P9 na lang ang laman ng bulsa. Kahit na ito na lang ang natira, di pa rin matatawaran ang mga nangyari sa araw na ito.

Friday, December 17, 2004
taga-UP na talaga ako
Naranasan ko na ang isa sa mga importanteng pangyayari bilang isang taga-UP at estudyante ng kolehiyo... ilalahad ko nga ang mga nangyari kahapon..
Disyembre 16,2004
10:00am- Dumating ako sa UP para sa aking klase sa Journalism 100. Pambihira ba naman yun prof ko kahit dapat wala ng klase, nagklase pa rin. Ganun niya siguro kamahal ang karunungan. Pero kahit na ganun, inantok lang ako sa class dahil dun sa nagrereport.
11:45am - Kakatapos lang ng aking klase. Dali-dali kaming sumugod patungo sa AS upang manood ng Oblation Run. Ang oblation run ay isang ritual para sa mga frat mems upang ipakita ang katotohanan. Sila ay tumatakbong hubad upang ipakita na walang hazing na nangyayari sa kanilang fraternity.
Pagdating namin sa AS, ang dami ng tao. Kami naman sinubukan namin pumunta sa lobby dahil dun nga mangyayari ang oblation run. Ngunit habang papunta kami dun, sinabihan kami nung tagaayos na gumilid na kami dahil magsisimula na ang oblation run. Ang nangyari tuloy, nasa unahan kami at kita kitang namin ang mga lalaking nagtatakbuhang hubad. At yun na nga, tumakbo na sila. Kahit na sandali lang sila tumakbo, ok lang. Isa na itong pagpapatunay na ako'y taga-UP na.
01:00pm - Bumalik na kami sa MCO tambayan upang maghanda para sa lantern parade. Ngunit kumain muna kami sa may philcoa kasama ang aking mga kaibigan.
04:00pm - Nagsimula na ang UP lantern parade. Isa itong parada na mga iba't ibang kolehiyo sa UP na bawat isa ay may float o lantern na tumatalakay sa isang sentralisadong isyu. Kahit ba naman sa parada, nagrarally pa rin. Taga-UP talaga.
Sumama ako sa paglalakad kasama ang aking kolehiyo (College of Mass Comm.). Iba itong kolehiyo ko, maingay, masaya at punong puno ng buhay. Ang saya saya ng paradang ito. Madaming makikislap na palamuti at mga nakangiting tao. Ipinapakita lamang nito na masayahin ang mga pilipino lalo na ang mga taga-UP.
08:00pm - Natapos na ang lantern parade. Nanalo kami kahit papaano ng most creative award. harhar. Iba talaga ang taga maskom.
09:00pm - Kami naman ngayon ay tumungo sa isang bahay ng aking orgmate upang ganapin ang aming christmas party. Ang nakakatawa lang dito napagkasya kaming 12 sa isang crosswind na sasakyan. ang weirdo di ba?
10:00pm - Nagsimula na ang party. Kumain at nagusap ang bawat isa. Nagbukasan na ng mga regalo mula sa aming exchange gift. Nakatanggap ako ng isang UP tshirt. Salamat ulit kuya Ron.!
11:00pm - Naglaro kami ng iba't ibang mga laro. Pero bakit ganun, sa grupo ko lagi kaming talo. Tsk tsk.. ang dami ko tuloy parusa.
Disyembre 17, 2004 Biyernes
12:00mn - Naguwian na ang iba kong orgmate. Uuwi na rin sana ako, kaya kinutuban ako na wag muna akong umuwi. Ewan ko kung bakit pero parang ayaw kung umalis. Kaya tumawag muna ako sa bahay at nagpaalam na umaga na ako uuwi. Pumayag naman sila.
01:00am - Inaantok na ako, pero di ako natulog.
02:00am - Bangag na ako!
03:00am - Mulat pa rin ang aking mata.
04:00am - Naisipan namin pumunta ng Mcdo philcoa upang kumain ng umagahan. Bumili lamang ng kape at dun na naghantay hanggang sumikat ang umaga.
06:00am - Sumikat na rin ang araw. Kami ay naghiwa-hiwalay na at tumungo na sa aming sari-sariling bahay.
07:00am- Dumating na ako sa bahay. Kumain ng umagahan at diretsong natulog..zzzz..
Iba itong karanasan. Ngayon ko lang nasubukan di matulog ng 24 oras. Mahirap din yun. Dati kahit papaano mga 1-2 oras nakakatulog ako. Pero ngayon, as in wala talaga.
Saka ang oblation run at ang lantern parade ay isa talaga UP experience. Isa na talaga ako UP student.

Sunday, December 12, 2004
Outnumbered
The latest surivor episode was out and it was Julie who got the boot. Well for obvious reasons, she was the only remaining contestant from the Ami's original alliance. So it was easy for them to vote her. Even though Eliza voted with her, Jules still got the boot.
Well tomorrow is the the final episode (I can't watch tomorrow's telecast because of school..)...but that's ok i'll watch na lang sa sunday...
I hope Eliza or Chris wins...
PHOTOS COURTESY OF CBS.COM
Friday, December 10, 2004
Strucked.....
I just finished watching the movie "Taegukgi" Victor lent me. It is a war movie set on the 50's during the south and north korean war. Basically it is about two young brothers ( Jang Donggun and Won Bin)struggling and confronting obstacles on their sibling relation amidst the korean war.
All I want to say is that I was STRUCKED. I never imagined that I will be hit liked that. I am not really fond of those war movies but this one is different. I don't know. I cannot explain. But it was terrific. I was about to cry at the end but tears won't come down. I really don't know what to say. Pardon me for my improper diction but I really cannot explain what I felt while watching it.
All in all, I recommend this movie to all people. I do suggest that you buy a copy and watch it more than once in the comfort of your home.
Thanks talaga Victor for sharing this film...
PHOTOS COURTESY OF THEIR RESPECTIVE OWNERS

Tuesday, December 07, 2004
Stupid Yahoo!!!
Yahoo is a big piece of crap..
I was trying to log into my yahoo account but it won't accept my password. So I changed my password and still it doesn't work.
Yahoo Sucks!
Anyway, I just got out from school. School's ok but there were still some bad things that happened. Pretty much it is a half good/half bad day.
7:20 - arrived at UP and I went directly to the UP Shopping Center to get a plastic folder for my arnis class.
8:00 - pretty much, today's arnis class was really cool. We got the chance to hit people (but not with an actual stick). I really like this person to person contact. I got to meet some new people from my class that I haven't got the chance to talk with. But I think the stretching was a bit lame cause my legs hurt. But at least it is worth the pain. I'm glad that we'll still do it next meeting.
9:00 - Got into CMC, and the tambayan was closed so I stayed outside and waited for the time to pass.
11:30- Another SocSci 2 class. Whew! I really like this class. Enough said.
01:00 - English class, we got to read a nice essay. I was touched by the lessons learned and exemplified. Anyway, this will be my last english 1 meeting for this year. So happy christmas to all my english 1 class.
02:30 - Went to the MCO tambayan and talked with the pips there.
Pretty much I love this day but some bad things happened to me like:
1. I lost my kapuso pin! Shocks!
2. I was in the jeep when I went down at the wrong street so I have to walk at least 500 meters!
3. My body hurts
But at least I do have tomorrow to rest... haay!
Nga pala, tomorrow is the feast day of the immaculate conception, so please try to attend mass.

Saturday, December 04, 2004
Couch Potato
Hmm...
Today, I got to watch the Godfather again on wowow.
It was one of the best movie I had ever watched. I had read the book and noticed some differences. But it was a good adaptation. I love watching it!. I'll buy the DVD collection if I do have the enough money.
The Godfather Movie Poster
Then at around 9pm, I'll watch naman Angels in America. I heard good reports about it, so i'll watch and see it for myself.

Friday, December 03, 2004
As the queen gets dethroned...
No classes today (again) because of the storm.
I was really hoping na may classes ngayon. I want to go out. Di ako naarawan dito sa bahay. I want to attend my Arnis class and my soc sci 2 class. I need to reserve pa the CAL avr. I want to eat some Rodic's tapsi.
So because walang classes, I got to watch Survivor Vanuatu's live telecast at Studio 23.
Ami (Rightmost part wearing a blue swim suit) voted off from Survivor
Ami was voted out. Ami was one of my favorite contestant in this season. She's strong, smart and got a captivating smile. Too bad she's a lesbian. (Hula lang ito kasi dun sa previous episode, girlfriend daw niya yun partner niya dun sa challenge.)
Hmmm. So I don't know. I'm really mad. Sayang, she can do it talaga. I know she can win. But unfortunately, minalas siya. Ganun talaga eh. Tides turn. She was dethroned, fell of from her horse then kicked out of the palace.
But, she'll get her revenge pag nasa jury na siya. Mwahaha.
For now, I'm rooting for Julie. (Even though di na possible kasi may alliance yung natitirang 4 pips. But you'll never know.)

Thursday, December 02, 2004
Di masaya pag walang pasok
Today, Classes were suspended because of the threat of typhoon yoyong..
I should be happy because walang classes, walang Chem1, JOURN100 at soc sci 1...
but NO!
Di ako masaya
binabagyo ang pilipinas
people are being flooded, communities shattered, families are broken, money wasted...
So please pray for the victims and the rest of the people of the Philippines.
Saka, madami dapat akong ayusin pa sa school. I still need to reserve the CAL AVR for the talk on tuesday.
SO DI AKO MASAYA KASI WALANG PASOK

Subscribe to:
Posts (Atom)