Monday, February 07, 2005

Feeling Artista Na!

Kakatapos lang ng first day ng shoot namin for Ate Liar's film. Laman-Loob pala ang title nito. Ang saya-saya ng shoot namin! First time kong mapasama sa isang production, at bilang isa pang artista! ayos talaga! Nakakapagod nga lang!!! Haaay! Kwento ko lang.

Call time namin is 4:30 in the morning. Nagising ako ng mga 3am. Super antok nga ako kasi the night before ginawa ko pa yung chemistry presentation namin. Haggard kung baga ang maaring masabi ko sa sarili ko. Ako yun nauna dumating sa meeting place, pero after a while dumating na rin yun iba. Mga 5am na kami nakaalis, sumakay kami ng jeep patungong Meycauayan, Bulacan kung saan kami mag shoshoot. Nakatulog ako ng sandali sa jeep pero paggising ko nandun na kami sa aming location.

Ang location pala namin ay isang totoong morgue, as in totoong morgue!. May mga kabaong na nakadisplay, mga bulaklak and the likes. Grabe! Nakakatakot! Di ko iyon kinaya. Pagpasok ko dun sa aming location, meron talagang masangsang na amoy. Di ko alam kung dun yun sa mga patay o dun sa kanal sa tabi.

Na-meet ko na rin ang aking mga co-actors na sila "Obet" at "Tanda". Ang pangalan ko pala ay TIKBOY. Isa akong binatang bagong pasok na embalsamador, "Intern" kung baga. Si Criz Daluz (tama ba spelling?) ng pangako sa iyo (yun si tata isko dun) ay si Tanda, isa mga co-actor ko. Ang galing niya, dami niyang tips na binigay. Yung si Obet naman, isa rin neophyte pag dating sa acting, pero at least kahit papaano meron na siyang background kahit kaunti. Di tulad ko. Harhar

Matapos magbreakfast, nagsimula na kami mag-shoot. Sa una naming scene, super kinakabahan ako! Wala pa akong dialogue dito, puro acting lang. Nung una ang dami ko pang mali, tapos nanginginig pa ako kaya naka-ilan shoot din kami dun. Pero matapos nun, unti-unti na akong naging comfortable sa camera.

Ganun pala kapag production ang daming kailangan. Mga malalaking ilaw, mga dedo lights (hehe..nakakatuwa ang pangalan nito), boom man, sound checker, director of production, wardrobe, tagakuha na notes per take, clapper, makeup artist, production designer at madami pang iba. Di ko kinaya ito. Kaya pala super daming kailangan na pera just to make a 20 minute film.

Matapos nito, tuloy-tuloy na ang pagtake namin ng sequences. Pero habang nagsho-shoot kami makikita mo dun sa kabilang kwarto meron inaautopsy na patay. Shit! Nakakadiri!!! Yaak! Nakangiti pa nga yun bangkay. Nakita kong inalis yun ribs niya, tapos kinuha yun dugo niya. Makikita mo pa nga yun mga tissues at organs. Kadiri talaga! Kaya di muna ako makakakain ng maayos.

Matapos nito, naglunch kami ng sandali. Menudo ang ulam, naiisip ko tuloy yun bangkay , pero kailangan kong kumain kasi gutom na ako. Matapos nito, lumipat kami ng location dun sa kabilang building para sa inuman scene. Hehe! Nakakatawa tong scene na ito! Dun sa isa kong scene na may mahaba akong linya gusto ko nang i-cut yun scene, so sinabi ko TIME-PERS! nagtawanan ba naman sila. Di naman daw kami naglalaro ng taguan. Hehe. Nakakatawa talaga.

Matapos nito, nakapagpahinga kami ng sandali habang inaayos yun set sa labas. Nagdinner na kami, ulam naman ngayon ay Adobo, di ko talaga ito kinaya! Naiisip ko kasi yun bangkay.

Mga bandang 8pm, nagsimula na kami magshoot sa labas. Ang daming taong nanood, mga 150-200 people siguro. Habang nasa labas ako, bigla ba naman akong tinanong kung sino ang artista dito. Gusto ko na sana sabihin na kausap niyo na yun artista eh! Hehe. Madaming mga haka-haka, sabi nila Nginig daw yun shinoshoot, isang commercial, sabi pa nga nung iba nandun daw si Jericho Rosales. Sasabihin ko na sana, wala si Jericho dito, si Jerick lang. Hehe.

Asteeg itong outdoor scene namin, takbuhan lang naman. Nang-snatch ako ng bag tapos bigla akong tumakbo. Hehe. Ang saya nitong outdoor scene na ito!

Nagpackup kami ng mga 10pm. Maaga pa daw ito kumpara sa ibang shoot na tumatagal hanggang madaling araw! Masaya na malungkot ako na natapos na ang first part ng shoot. Masaya kasi makakapagpahinga na ako, malungkot dahil tapos na ang unang part ng shoot kasi na-enjoy ko ang shoot. Ang dami kong nakilalang mga bagong kaibigan. Join UP-CAST nga eh!

Sorry, wala akong mga pictures. Mahirap kasi kumuha pag ikaw yun nasa scene. hehe. Hingi na lang ako ng kopya dun sa mga nagkuha ng stills.

Abangan niyo nalang ang susunod na shoot namin either Feb11 or 12. Wish Me Luck! God Bless! Till then!

CURRENT SONG: Breakaway by Kelly Clarkson








No comments: