Umalis kami dito sa Manila ng 6am kahapon. Ako nga lang ang representative ng HS friends ni Jeka dahil yun iba daw busy. Masaya ang biyahe, first time ko makapunta sa Pangasinan kaya todo sight seeing ako (kaya lang nakatulog ako dun sa ibang part).
Sa Malasiqui, Pangasinan ang bahay nila Jeka. Pagdating ko dun, hmmm pinakilala ako dun sa mga kapamilya at classmate niya from UP Baguio. Ang hirap pag ikaw lang magisa at wala kang kakilala. I felt out-of-place nun kasama ko yun mga friends ni Jeka from UP Baguio. But after nun, medyo nakausap ko na rin sila (mostly UPd topics ang pinaguusapan).
Then nun gabi ,start na ng debut program ni Jeka. Hawaiian ang theme ng party, so obviously naka Hawaiian outfit ako (sorry wala akong pictures!). I'm part of the 18 laces (replacement ng 18 roses sa typical debut party). Naks! Nun tinawag yun pangalan ko, meron pang kadugtong na "UP Diliman". Pinapakita talaga na dayo pa ako from Manila, feeling ko pampered na ako.
After nun may kainan at sayawan na. Di rin nawala ang liquor drinking. Nakainom ba naman ng Red Wine, Gin at Sparkling Juice sa iisang event. Tapos first time ko rin makainom ng Bailey's! Ang Sarap niya!!!! Mahal lang kasi.
Gusto ko sana di na matulog hanggang umaga, kaya lang di ko nakayanan natulog na rin ako ng 2am. Nagising ako ng mga 6am at naisipan kong mag-billiards. First time ko maglaro, pero at least napapasok ko ang billiard ball dun sa hole. Hehe.
Umuwi na kami ng after lunch. Natulog lang ako almost ng boung biyahe. Haay, mamimiss ko pangasinan, masarap pala dun. Gusto ko ulit bumalik.
SURVIVOR UPDATE:
CURRENT SONG: Waiting in Vain by M.Y.M.P.
No comments:
Post a Comment