Di ba dapat ang biyernes ang huling araw sa isang linggo?
Kaya siguro ang dami kong ginawa ngayon!
Summarize ko lang ang aking araw:
07:00- As usual maaga nanaman ako sa aking arnis class, siyempre natakot ako sa janitor dun (kasi di ba, baka nalang siya lumutang).
08:00 - ay salamat PE ko na! pinagpapalo lang namin ang isang gulong sa vanguard, para bang to test your strength and form. Madami rin ako nakilalang mga bagong classmate.
09:00 - tapos na ang PE, kaya pumunta muna ako sa tambayan ng MCO.
10:00 - inayos namin ang aming aristotle report para sa soc sci 2, mahirap mag highlight ha! (anyway, gutom na ako ng panahon na ito... first time ko kumain ng donut sa UP)
11:30 - SocSci 2 na namin. As usual, natawa nanaman ako sa mga patawa ni prof. santamaria, ang saya talaga ng soc sci 2 ko. Nagreport din pala kami, natuwa naman siya (sana?). Sana maganda ang grade namin dun... (gutom pa rin ako kaya nag fishball muna)
13:00 - English 1 class ko... gutom na gutom na ako habang nagkaka-class kami. nahihilo na nga ako, sana may pumasok sa isip ko.
14:30 - Balik tambayan ako, para gawin ang trabaho ko para sa RATT, kumain ulit ako ng turon sa UP (first time ko rin!)
16:00 - umatend ako ng isang group meeting for the lantern parade. Ako lang ang freshie dun... di ko alam nga kung bakit ako nandun. At least may free food. Sana manalo kami sa lantern competition! Asteeg kasi yun naisip nilang concept.
Haay! Hectic day talaga ito, di na nga ako naka-formal lunch... buti na lang, weekend na bukas!
No comments:
Post a Comment