Haay! Natapos na ang aking mahabang sem break!
At gusto ko lang i summarize ang aking first week on this new semester
TUESDAY:
07:00 - Dumating ako ng UP Diliman mula sa bahay, my first class should be at around 8am, so ang aga ko dun!, bumaba ako sa may oblation statue at naglakad papuntang gym, (haay nakakapagod pero at least nakaaksaya ako ng mga onting minuto.) Pagdating ko ng gym, naghantay ako sa may labas ng gym kahit na ang araw ay nakatutok sa akin, labas pasok ako sa gym at buti na lang nakita ko dun ang aking mga math 1 classmates, nagusap ng sandali at naghantay pa rin.
08:00- sa wakas time na rin for my first class ang PE ko na arnis, buti na lang may kakilala ako kasama ko sa PE, so may kausap ako. Habang nasa gym kami mga 6 lang kaming nandun, so sabi ko sa prof, try namin pumunta ng vanguard baka nandun yung ibang classmate namin. Dumating nga kami sa vanguard at tama ang aking hinala na nandun ang iba naming classmates. At yun na, simula na ng mga kapagodpagod na bagong sem.
09:00- Natapos na ang PE ko so since 2 and 1/2 hrs pa break ko, bumisita muna kami sa tambayan ng MCO, at dun inaksaya ko ang time hanggang mag 11:30
11:30- Next destination: SocSci 2, hmmm, madami din akong kakilala dito, so at least may kausap ulit ako. Naghantay kami ng matagal at sa wakas dumating na ang prof ko. He admitted na gay siya, para siyang sir hans at sir dalag ng Angelicum morphed into one. But he is cool, super daming achievements at medyo oks ang dating. Quotable Quote from my Soc Sci 2 - : "There is no justice in this world"
01:00pm - Dapat may Eng1 class ako, kaya lang wala akong prof so umuwi na lang ako
Wednesday
Wala akong pasok pag Wednesday
Thursday
07:00- Maaga nanaman ako sa school so tumambay muna ako sa canteen just to kill time. mga around 7:30, hinanap ko na ang room ko, 1100 ang room ko for my chem1 class. So first instinct ko, sa institute of chem building, maraming rooms dun 2100, 1105, 1104, 1103, 1102, 1101 pero wala 1100! Siguro naka 3 libot ako sa chem institute at di ko pa rin nakita ang room ko. Sinubukan kong lumabas ng chem institute at pumunta ng AS at sa wakas nakita ko na rin ang room ko! Ang pinto pala nito ay nasa AS ngunit ito ay part pa rin ng chem institute! Bwisit, nagtanong na lang sana ako.
08:00 Chem 1 class: tsk tsk, puro uppermen ata mga classmate ko dun, buti na lang kamo may kakilala ulit ako. First day pa lang naglecture na kami kasi daw para makahabol kami since no classes ng monday next week.
10:00 ang Journ100 na class: Whew ang tagal maghintay ng katipunan na jeep! Pero nakasakay pa rin ako. Pagdating ko ng CMC, nandun na ang iba kong ka-journ mates. Ang asteeg ng room namin, para siyang interrogation room. Dumating na ang prof ko, at ang masasabi ko lang... PERLAS! PERLAS! at PERLAS!
02:15pm Before nito nagkita muna kami ng HS friends ko at nag lunch sa katips, mga around 2.15 sumakay na kami ng jeep, kaya lang yun jeep na nasakyan namin ay di pumapasok ng UP, so lumipat kami dun sa pangatlong jeep na papasok sa UP. Since pangatlo siya, naghintay kami ng matagal, so that means na late ako sa soc sci 1 class ko
02:45pm Soc Sci 1 class: Late na akong dumating sa room ko, buti na lang nagdidistribute pa lang ng class card so ok lang. Ok ang prof ko dito, she is a bit old but para siyang "hip lola" kung umarte. Mageenjoy siguro ako sa class na ito
FRIDAY
08:00 Arnis nanaman! Comment ko lang, parang napaka-silent at down ng mga classmate ko dito. Damn! PE class to kaya maging active naman kayo!
08:30 Ang aga namin dinismiss, so pumunta ulit kami ng tambayan. Pagdating namin dun, naka-lock ang gate so di kami nakapasok. So nagtry kaming mamasyal sa Area2. After nito bumalik na ako sa AS para bumili ng book ko sa Soc Sci 2 kasi may readings kami na 80 pages!
11:30 After ng pagbabasa ko sa library, pumunta na ako sa AS para hanapin ang friends ko at maglunch. Wala nga pala kaming soc sci 2 kasi daw meron kaming 80 pages na reading
01:00 English 1 Class: Last class ko for the week, para siyang yung English 10 ko last sem pati yung prof... Medyo inantok ako sa class because of the time saka yung prof ko. Basta nasa isip ko na lang, weekend nanaman.
At yun ang aking first week ko, it was a good experience, sana naman ma-enjoy ko itong bagong semester na ito.
No comments:
Post a Comment