Wednesday, March 23, 2005

Screening ng Laman Loob

Kasabay sa paglabas ng bagong movie, tulad ng Miss Congeniality 2, into Philippine Cinemas, ang Laman Loob naman ay ipinalabas na for PUBLIC VIEWING.

Kung inyong matatandaan, ito ang film na kung saan ako ay naging isang aktor. (see It's A Wrap, Feeling Artista Na and Bigla ba naman...). Di naman ako ang bida dito, supporting role lang, pero main cast pa rin.

Well anyway, ito po ay unang inilabas for public viewing kanina for ate Liar's thesis defense. Almost 100 people watched the screening sa CMC Room B1, along with the panel of film professors. Pang-apat na ipinalabas yun film.

Nung it was time na for Ate Liar's film to be shown, kinakabahan na ako. Gusto kong takpan yun mata ko, magtago sa kumot. Gusto ko rin silang palabasin lahat!

So comments ko lang, parang, alam mo yun, parang hindi ako yun. Ewan ko ba?! Naasiwa ako everytime na maririnig ko yun boses ko. It feels really awkward seeing yourself on a big screen and all people looking at it. Pero ok ang film, ang ganda-ganda! It was a really good film, naappreciate din nung ibang tao and grabe yun palakpakan afterwards. Then people started looking at me, ewan ko ba?! (ikaw ba yun nasa film?? Talaga??)

So, anong sabi ng panel of film professors?

Technical comments, editing, visual development, story line... I forgot na yun iba, Wala naman akong naiintindihan dun. Then sabi nila, "Good Acting Daw". Sa loob-loob ko, WHAT??? Good Acting, ako? Talaga?.... bakit para sa akin, hindi maganda yun acting ko. Wahaha. Nakakakahiya. Pero, siguro nga maganda talaga yun acting, but it seems na I don't have the eye in seeing it or it's just that it's really hard to give myself a nice compliment.

Maganda daw yun chemistry nun mga actors, the only "not-so-good" comment na sinabi nila ay mukha daw malulusog yun mga actors compared to the thin, poor characters na they should had portrayed. Pero sabi nga ni Victor, dapat tanggapin ko na isa yun compliment kasi it means that I don't really look like an embalsamador. hehe.

All in all, according to the film professors, The film was really good and I definitely agree with them.

Hihingi nga ako ng copy ko from Ate Liar, then ibebenta ko sa Quiapo (harhar, joking).

CHEERS for the whole TEAM ng LAMAN LOOB especially to Ate Liar! We all did a really good job! Congratulations!

On other news,

Start na ng medyo mahabang bakasyon ko, so I'll start studying na for my 4 final exams and do my term paper, all due for next week. Sana matapos ko 'to.

2 comments:

Victor said...

yesss naman. congratulations!

jerick said...

salamat! victor... mas matindi ka nga eh... best actor...:)