Wednesday, December 22, 2004

My Driver's License Application and (I Think) the LTO Corruption Behind It.

Nasa Lucena City ako ngayon araw na ito mula sa Maynila. Kararating ko lamang kahapon dito sa bahay ng aking lolo at lola upang gugulin ang aking christmas vacation. Nauna na akong umuwi dito kasi di na daw kami magkakasya sa kotse kung nandun pa ako. (Umuwi kasi ang aking tito mula sa US kaya madaming bagahe at baka di na magkasya sa kotse, wala kasi yun Revo)

Nauna na rin ako dito para kumuha ng DRIVER's LICENSE. Kakakuha ko lang ng aking STUDENT PERMIT nung isang buwan at matapos matuto ng kaunti, sinabihan na akong kumuha na ng non professional na lisensya.

Ang student license kasi ay para sa magaaral pa lamang ng driving at matapos nito maaari ka ng kumuha ng isang non-professional license. Pag nagkaroon ka na nito, maari ka ng mag-drive mag-isa.Kahit di pa ako ganun ka-galing magdrive, sinabihan na ako na kumuha ng isang non-professional license. ( Hindi pa nga ako magaling mag-park, mag-reverse at di ko pa nasusubukan mag 4th at 5th gear.)

Hinanda ko muna ang aking mga papeles na kakailanganin para sa pag-apply. Pumunta kami sa LTO Office ng Quezon kasama ang aking lolo ng mga alas-diyes ng umaga. Pagdating namin dun, sinalubong kami ng isang matandang babae na nakaupo sa unahan ng kanilang opisina. Binigyan ako ng application form at siningil ng P430 para daw sa application fee. Pero bakit ganun, di kami binigyan ng resibo? Kasi sa pagkakaalam ko mga P300 lang ang halaga ng application... bakit ganun?

Matapos iyon, pinapunta ako sa examining room para sa aking written exam. Patawa ito exam na ito. Madali lang ang exam, almost kahit sino masasagutan ito. Tapos may nakasulat pa na kodigo sa test questions. Meron pang nakasulat sa mga dingding na sagot. Nakakuha ako ng 35/40 kaya pumasa ako. (20 ang passing)

Matapos ako ay nagpadrug test at nagpamedical exam. Nagbayad ulit kami ng P250 at P60 respectively. Ang medical exam nga lamang ay ang pagbasa ng eye chart pero siningil kami ng P60! bakit ganun! Yun lang yun tapos ganun kamahal. Di ata tama iyon.

Pumunta naman ako sa opisina upang ipasa ang mga dokumento. Nagpakuha na rin ako ng litrato. Binigyan ako ng usang papel at ibigay ko daw ito sa clerk nila. Nagtype lang yun clerk ng onti tapos siningil ako ng P40! Laganap talaga ang korupsyon sa LTO.

At sa wakas, binigyan na ako isang temporary license. Pero nagtataka ako kung bakit di ako binigyan ng practical exam. Di ba dapat meron ganun upang malaman kung pwede ka talagang sumabak sa daan. Naghanda pa naman ako dito.

Sabi nila ganun daw talaga yun, wala daw practical exam kasi wala daw silang sasakyan na gagamitin at wala rin gasolina. Nagbayad ako ng P430 pero di ko alam kung saan napunta yon.

Makukuha ko daw yun license card ko matapos ang 7 months pero kung gusto ko daw magbabayad daw ako ng P2,000. tsk tsk corruption talaga.

Sana naman maayos na itong mga labuan (ehem korupsyon) ng mga ito. Sana naman mabigyang solusyon ito. Pero di na ako masyadong nagaalala. Basta masaya ako nakakuha na ako ng lisensiya.








No comments: