Isa nanamang bagong araw ang dumating. Matapos ang mahaba-habang at kapagod-pagod na araw nung huwebes at biyernes, kahapon lumabas nanaman ako at naglakwatsa. Sabik ako sa mangyayari sa araw na ito. Magkikita kami ni Reese para sa isang paglalakbay at paglalakwatsa.
Dali-dali akong umalis sa aming bahay patungo sa opisina ng tatay ni Reese. Sa aking paglalakbay patungo sa aking destinasyon, para akong bumalik sa aking nakaraan. Pagsakay ko ng FX sa may Munoz, nagulat ako dahil babae ang driver nito. Unang beses ko makakita ng FX driver na babae. Ngunit kahit babae siya, dali-dali itong nagdrive.
Pagdaan ko sa may tapat ng Sto.Domingo Church, nakita ko ang pagkahaba-habang pila ng mga gustong masilayan si FPJ. Ang pila ay mula sa kanang bahagi ng simbahan, tapos sa harap ng simbahan, sa may kalye ng Biak na Bato at ang dulo ay nasa may Banawe. Marami akong naalala sa pagdaan ko dito. Ang aking paglabas-pasok sa Angelicum College (nasa likod ito ng Sto. Domingo) at ang paglalakbay sa Banawe St. Dito ko ginugol ang aking apat na taon ng high school. Naiinis lamang ako dahil sobrang dumi na ng daan at simbahan. Madaming basura sa tapat ng Sto. Domingo at Angelicum College. Linisin naman sana ito.
Bumaba ako sa Morayta at naglakad tungo sa opisina ng ama ni reese. Buti nalang di ako nawala. Masaya ako dahil nakita ko si Reese, tagal na kasi naming di nagkikita. Nagkamustahan at nagbigayan ng regalo ang una naming ginawa.
Pagkatapos tumungo kami sa Pinky Pop upang mag-lunch. Ang sarap talaga sa pinky pop lalo ng ang spaghetti nila! sana may pinky pop na rin sa UP diliman.
Matapos nito bumalik kami sa Mary Chiles at nagtanong kung paano pumunta sa SM Manila. (di kasi namin alam). Sinabi pumunta daw kami sa may San Sebastian at dun sumakay ng jeep. Pagdating namin dun, tumungo muna kami sa may San Sebastian Church. Sinilip namin ang loob. Mangha talaga ako sa simbahan ito. Pag-ikakasal na ako, gusto ko dito. Haha
Nakarating na rin kami sa SM Manila. Unang beses ko pa lang doon kaya di ko pa alam ang mga pasikot-sikot dito. At dun namasyal kami, bumili ng onting mga CDs at umalis na.
Tumungo naman kami sa may Quiapo upang bumili ng DVDs. Ang daming DVDs dito, mapa-pilipino o hindi, bago o luma nandito. Madumi, magulo ang Quiapo pero mababait ang mga tao. Nakabili ako ng DVD ng Taegukgi at the Godfather. Babalik na lang ako dito pag madami na akong pera.
Bumalik na kami sa Mary Chiles upang magpahinga. Pagkatapos nito, sumama ako kayla Reese sa SM North Edsa. Ang dami ng tao sa malls, paskong pasko na talaga. Sinamahan ko si Reese bumili ng sapatos. Matapos nito nagikot ulit kami at kumain. Nagpaalam na ako kay Reese para naman makapagpahinga kami.
Pictures
Umuwi ako sa bahay ng P9 na lang ang laman ng bulsa. Kahit na ito na lang ang natira, di pa rin matatawaran ang mga nangyari sa araw na ito.
No comments:
Post a Comment