Naranasan ko na ang isa sa mga importanteng pangyayari bilang isang taga-UP at estudyante ng kolehiyo... ilalahad ko nga ang mga nangyari kahapon..
Disyembre 16,2004
10:00am- Dumating ako sa UP para sa aking klase sa Journalism 100. Pambihira ba naman yun prof ko kahit dapat wala ng klase, nagklase pa rin. Ganun niya siguro kamahal ang karunungan. Pero kahit na ganun, inantok lang ako sa class dahil dun sa nagrereport.
11:45am - Kakatapos lang ng aking klase. Dali-dali kaming sumugod patungo sa AS upang manood ng Oblation Run. Ang oblation run ay isang ritual para sa mga frat mems upang ipakita ang katotohanan. Sila ay tumatakbong hubad upang ipakita na walang hazing na nangyayari sa kanilang fraternity.
Pagdating namin sa AS, ang dami ng tao. Kami naman sinubukan namin pumunta sa lobby dahil dun nga mangyayari ang oblation run. Ngunit habang papunta kami dun, sinabihan kami nung tagaayos na gumilid na kami dahil magsisimula na ang oblation run. Ang nangyari tuloy, nasa unahan kami at kita kitang namin ang mga lalaking nagtatakbuhang hubad. At yun na nga, tumakbo na sila. Kahit na sandali lang sila tumakbo, ok lang. Isa na itong pagpapatunay na ako'y taga-UP na.
01:00pm - Bumalik na kami sa MCO tambayan upang maghanda para sa lantern parade. Ngunit kumain muna kami sa may philcoa kasama ang aking mga kaibigan.
04:00pm - Nagsimula na ang UP lantern parade. Isa itong parada na mga iba't ibang kolehiyo sa UP na bawat isa ay may float o lantern na tumatalakay sa isang sentralisadong isyu. Kahit ba naman sa parada, nagrarally pa rin. Taga-UP talaga.
Sumama ako sa paglalakad kasama ang aking kolehiyo (College of Mass Comm.). Iba itong kolehiyo ko, maingay, masaya at punong puno ng buhay. Ang saya saya ng paradang ito. Madaming makikislap na palamuti at mga nakangiting tao. Ipinapakita lamang nito na masayahin ang mga pilipino lalo na ang mga taga-UP.
08:00pm - Natapos na ang lantern parade. Nanalo kami kahit papaano ng most creative award. harhar. Iba talaga ang taga maskom.
09:00pm - Kami naman ngayon ay tumungo sa isang bahay ng aking orgmate upang ganapin ang aming christmas party. Ang nakakatawa lang dito napagkasya kaming 12 sa isang crosswind na sasakyan. ang weirdo di ba?
10:00pm - Nagsimula na ang party. Kumain at nagusap ang bawat isa. Nagbukasan na ng mga regalo mula sa aming exchange gift. Nakatanggap ako ng isang UP tshirt. Salamat ulit kuya Ron.!
11:00pm - Naglaro kami ng iba't ibang mga laro. Pero bakit ganun, sa grupo ko lagi kaming talo. Tsk tsk.. ang dami ko tuloy parusa.
Disyembre 17, 2004 Biyernes
12:00mn - Naguwian na ang iba kong orgmate. Uuwi na rin sana ako, kaya kinutuban ako na wag muna akong umuwi. Ewan ko kung bakit pero parang ayaw kung umalis. Kaya tumawag muna ako sa bahay at nagpaalam na umaga na ako uuwi. Pumayag naman sila.
01:00am - Inaantok na ako, pero di ako natulog.
02:00am - Bangag na ako!
03:00am - Mulat pa rin ang aking mata.
04:00am - Naisipan namin pumunta ng Mcdo philcoa upang kumain ng umagahan. Bumili lamang ng kape at dun na naghantay hanggang sumikat ang umaga.
06:00am - Sumikat na rin ang araw. Kami ay naghiwa-hiwalay na at tumungo na sa aming sari-sariling bahay.
07:00am- Dumating na ako sa bahay. Kumain ng umagahan at diretsong natulog..zzzz..
Iba itong karanasan. Ngayon ko lang nasubukan di matulog ng 24 oras. Mahirap din yun. Dati kahit papaano mga 1-2 oras nakakatulog ako. Pero ngayon, as in wala talaga.
Saka ang oblation run at ang lantern parade ay isa talaga UP experience. Isa na talaga ako UP student.
No comments:
Post a Comment